O Ilaw Lyrics - Filipino Folk Songs


O Ilaw Lyrics

O, Ilaw
sa gabing madilim
Wangis mo'y
bituin sa langit


O, tanglaw
sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng
nagbigay pasakit


Tindig at magbangon
sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing


Buksan ang bintana
at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
ang tunay kong pagdaing


O Ilaw Lyrics - Filipino Folk Songs


Sampaguita Lyrics - Filipino Folk Songs

Sampaguita Lyrics


Sampaguita mutyang halaman
Bulaklak na ubod ng yaman
Ikaw lang ang siyang hinirang
Na sagisag nitong bayan.


At ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap
Ang iyong bango't halimuyak
Sa tuwina ay aming nilalanghap.


O bulaklak na nagbibigay ligaya
Aking paraluman mutyang Sampaguita
Larawang mistula ng mga dalaga
Tanging ikaw lamang
Ang hiraman ng kanilang ganda.


Ang 'yong talulot na kay ganda
Mga bubuyog nililigiran ka
Kung sa dalagang sinisinta
Araw gabi'y laging sinasamba.


Sampaguita Lyrics - Filipino Folk Songs 

Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics - Filipino Folk Songs

Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics


Akala mo yata kita'y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog
Ang inuunan ko luhang umaagos
Ang binabanig ko ay sama ng loob.


Di ka na nahabag, di ka na naawa.
Lusak na ang lupa sa patak ng luha.
Buksan mo na neneng ang munting bintana
At ako'y dungawin nagmamakaawa.


Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics - Filipino Folk Songs 


Banahaw Lyrics - Filipino Folk Songs

Banahaw Lyrics 

Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis
Sa bundok Banahaw
Ay inihahatid, ay inihahatid
Nang hanging amihan
Kaya't yaring abang puso
Sakbibi nang madlang lumbay
Sa sandaling ito, sa sandaling ito'y
Naliligayahan.


Halina, irog ko at tayo'y magsayaw
Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay
Dini naman sa lumang kudyapi
Ikaw irog aking aawitan
Sa saliw ng hanging palay-palay
Sa bundok ng Banahaw.



Banahaw Lyrics - Filipino Folk Songs

Tinikling Lyrics - Filipino Folk Songs

Tinikling Lyrics

Tayo irog ko magsayaw ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga padyak kung di pagbubutihin
Dalawang kawayan tayo'y iipitin.

At sa tinikling na labis na panganib
Ang hindi maingat ay maiipit
Nguni't mahak ko ganyan din sa pagibig
Ang hindi tapat ay maiipit.


Tinikling Lyrics  - Filipino Folk Songs  
 

Magtanim Ay Di Biro Lyrics - Filipino Folk Songs

Magtanim Ay 'Di Biro Lyrics

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo


Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.


Sa umagang paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.


Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.


Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas!


Magtanim Ay 'Di Biro Lyrics - Filipino Folk Songs



Doon Po Sa Amin Lyrics - Filipino Folk Songs

Doon Po Sa Amin Lyrics


Doon po sa amin
Sa bayan ng San Roque
May nagkatuwaang
apat na pulubi

Nagsayaw ang pilay,
Nakinig ang bingi,
Nanood ang bulag,
Umawit ang pipi

Doon po sa amin
Bayan ng Malabon
May isang matanda
nagsaing ng apoy

Palayok ay papel,
papel pati tungtong
Tubig na malamig ang
iginagatong

Doon po sa amin...

Doon Po Sa Amin Lyrics - Filipino Folk Songs

Sitsiritsit Lyrics - - Filipino Folk Songs

Sitsiritsit Lyrics

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo NiƱo sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila, 
ipagapalit ng manika.

Ale-ale,namamayong , 
pasukubin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon, 
ipagpalit ng bagoong.


Sitsiritsit Lyrics - Filipino Folk Songs

Paruparong Bukid Lyrics - Filipino Folk Songs

Paruparong Bukid Lyrics

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis 

Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

 
May payneta pa siya -- uy!
May suklay pa mandin -- uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng.


  
Paruparong Bukid Lyrics ( English Translation )



Butterfly that flutters about
It waves its wings in the middle of the road
Wearing a 9 meter-long rectangular cloth over her skirt
Sleeves, a handspan long
Her skirt that's shaped like a grand piano
has a train that's as long as an entire rack of cloth

She has a decorative hairpin -- uy!
And even a comb -- uy!
She displays her embroidered half-slip
She faces the altar, then looks into her mirror
Then she walks and sways her hips.

Paruparong Bukid Lyrics - Filipino Folk Songs
 

Bahay Kubo Lyrics - Filipino Folk Songs

Bahay Kubo Lyrics

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani


Kundol, patola, upo't kalabasa
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid nito puno ng linga.


Bahay Kubo Lyrics - Filipino Folk Songs
 

Leron Leron Sinta Lyrics - Filipino Folk Songs

Leron Leron Sinta  Lyrics

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,

Ang ibigin ko'y
Lalaking matapang,
Ang baril nya'y pito,
Ang sundang nya'y siyam
Ang sundang nya'y siyam
Ang lalakarin nya'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba


Leron Leron Sinta Lyrics - Filipino Folk Songs