Mutya ng Pasig Lyrics - Kundiman Songs

Mutya ng Pasig Lyrics - Kundiman Songs

Music by: Nicanor Abelardo
Lyrics by: Deogracias del Rosario


Kung gabing ang buwan
sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak,
Na lugay ang buhok na animo'y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.


Sa kanyang pagsiklot
sa maputing bula,
Kasabay ang awit,
kasabay ang tula;


Dati akong Paraluman,
Sa Kaharian ng pag-ibig,
Ang pag-ibig ng mamatay,
Naglaho rin ang kaharian.



Ang lakas ko ay nalipat,
Sa puso't dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong akoy mabuhay,
Pag-ibig ko'y inyong ibigay.



Mutya ng Pasig Lyrics - Kundiman Songs






No comments:

Post a Comment