Pamaypay ng Maynila Lyrics

Pamaypay ng Maynila Lyrics - Philippine Folk Songs


Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan
Ang bawa’t mga kilos sa padyak ng pamaypay
Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito’y nakatabing sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko
Nguni’t pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito’y pinamaspas na panay ang pagaspas
Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin
Subali’t pagmalaya, may ibig alamin
Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin
Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin
Bawa’t simoy ng hangin na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Pamaypay ng Maynila Lyrics - Philippine Folk Songs

Lulay Lyrics - Philippine Folk Songs

Lulay Lyrics - Philippine Folk Songs

Anong laking hirap kung pagka-iisipin
Ang gawang umibig sa babaeng mahinhin
Lumuluhod ka na'y di ka pa mandin pansin
Sa hirap ikaw kanyang susubikin.
Ligaya ng buhay babaeng sakdal inam
Ang halaga niya'y di matutumbasan
Kahinhinan niya'y tanging kayamanan.

Lulay Lyrics - Philippine Folk Songs

Kung nagsasayaw kita Lyrics

Kung nagsasayaw kita Lyrics - Philippine Folk Songs

Kung nagsasayaw kita at umiindak
Puso ko’y sumisigla at pumipiglas
Dahil sa ikaw ang tangi kong nililiyag
At pangarap ka ng puso ko sa magdamag.

Bakit ba naman ikaw ay lumalayo
Di pa tanggapin itong pagsuyo.
Kung nagsasaya kita, dibdib ko’y kumakaba
Sana’y huwag matapos ang madlang saya

Tunay na tunay ba? Pagsuyo ko’y tunay!
Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay!
Di na magmamaliw ang naglahong araw
Araw ng pagsuyo di mapaparam.ngit
Ang pangako ng pusong umiibig


Kung nagsasayaw kita Lyrics - Philippine Folk Songs

Ay, Ay, O Pag-ibig Lyrics

Ay, Ay, O Pag-ibig Lyrics - Philippine Folk Songs

Buhat nang kita'y makita
Nadama ang pagsinta
Ng puso kong nagdurusa
Giliw ko, maawa ka.
Huwag mo sanang pahirapan
Puso kong nagdaramdam
Pagka't magpakailan man
Ikaw ang tunay kong mahal.
Ay, ay, ay, ay O pagibig
Pagpumasok sa puso ay may ligalig
Ay, ay, ay, ay, ay hanggang langit
Ang pangako ng pusong umiibig

Ay, Ay, O Pag-ibig Lyrics - Philippine Folk Songs

Ang Pipit Lyrics - Philippine Folk Songs

Ang Pipit Lyrics - Philippine Folk Songs
by: Levi Celerio

May pumukol sa Pipit sa sanga ng ng isang kahoy
At nahagip bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit,
di nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigkas
Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko,
may isang pipit na iiyak
May isang pipit na iiyak,
may isang pipit na iiyak.

Ang Pipit Lyrics - Philippine Folk Songs

Pandanggo sa Ilaw Lyrics

Pandanggo sa Ilaw
- This dance was originated from Lubang Island, Mindoro. Derives from the Spanish word "fandango". Fandango is a traditional Spanish dance with strong steps and clapping. The steps follow a certain beat which requires balancing and stability. Its unique trademark is dancing while oil lamps are placed on the head and at the back of each hands.

Pandanggo sa Ilaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Nang pista sa nayon
Nagsayaw ka hirang
Napakagandang pagmasdan
Ang maliliit mong hakbang
At ang tatlong basong
May taglay na ilaw
Ay tinimbang mong lahat
Sa ulo't sa mga kamay
Ngunit 'di mo alam
Na minamasdan kita
At nabihag mo ako
Sa iyong pandanggong kay sigla
Magbuhat na noon
Ay inaalala ka
Dahil sa walang lakas
Ang puso kong limutin ka
Sa pandanggo mo'y
Hanga ang lahat
Tangan mong mga ilawan
Ni isa'y walang lumagpak
Puso kong ito
Nais ko liyag
Ay ingatan mo na rin
Pagka't ikaw ang may hawak.

Pandanggo sa Ilaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Kalesa Lyrics - Philippine Folk Songs

Kalesa Lyrics - Philippine Folk Songs

Kalesa'y may pang-akit na taglay
Maginhawa't di maalinsangan
Nakahahalina kung pagmasdan
Kalesa ay pambayang sasakyan


Kabayo ay di natin problema
Pulot at damo lang ay tama na
Matulin din sa kalsada
Tumatakbong maginhawa
Wala pang gasolina

Repeat all


Kalesa ay panghatid tuwina
Nung panahon nina maria clara
Mga bayani nitong bayan
Sa kalesa'y dinuduyan


Kalesa'y nakaaaliw
Lalo na pag gumagabi
At kung kasama ko ang aking giliw
Mangangalesa na rin kami

(Repeat first and second paragraphs)

Matulin din sa kalsada
Tumatakbong maginhawa
Wala pang gasolina.

Kalesa Lyrics - Philippine Folk Songs

Tilibong tilibo Lyrics - Philippine Folk Songs

Tilibong tilibo Lyrics - Philippine Folk Songs

tilibong tilibong
si timbong nag sabong
nanalo ng piso
sumakay pa sa auto
ang auto ay kiling
ang tsuper ay duling
nabangga sa pader
nalagas ang ngipin.

Tilibong tilibo Lyrics - Philippine Folk Songs

Santa Clarang Pinong-pino Lyrics

Santa Clarang Pinong-pino Lyrics - Philippine Folk Songs

Santa Clarang pinung-pino
Ang hiling ko po ay tupdin niyo
Pagdating ko po sa Obando
Magsasayaw ako ng pandanggo

Aruray!
abarinding!
ang pangako ay tutuparin!


Santa Clarang pinong-pino,
Ako po ay bigyan mo
Ng asawang labintatlo

Sa gastos ay walang reklamo!

Santa Clarang Pinong-pino Lyrics - Philippine Folk Songs

Sinisinta Kita Lyrics

Sinisinta Kita Lyrics - Philippine Folk Songs

Kung ang sinta’y ulilahin
sino pa kayang tatawagin
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku kay layo sa piling

Malayo man malapit din
Pilit ko ring mararating
Huwag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw

Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi’t araw
Pag di na natatanaw
Puso ko’y nalulumbay

Sinisinta kita,
di ka kumikibo,
akala mo yata,
ako’y nagbibiro;
saksi ko ang langit,
sampu ng kanduro,
kundi kita sinta,
puputok ang puso.

Sinisinta kita
ng sintang patnubay,
patnubay na sintang
walang katapusan;
madurog ang bato,
magbangon ang bangkay,
walang ibang sinta,
kundi ikaw lamang.

Sinisinta Kita Lyrics - Philippine Folk Songs

Inday, Inday sa Balitaw Lyrics

Inday, Inday sa Balitaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Inday, Inday sa Balitaw
Kahoy nakahapay,
Sandok nakasuksok,
Palayok nakataob,
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok.

Inday, Inday sa Balitaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Alam Mo Ba Mahal Kita Lyrics

Alam Mo Ba Mahal Kita Lyrics
by: Diomedes Maturan

Batid mo ba
na mahal kita?
At sa puso ko
Ay ligaya ka

Talos mo ba nag-iisa
Ako'y nangangamba
Na lumimot ka

Magmamaliw na ng lubos ang pag-asa
Kung magwawakas ang pag-ibig mo sinta

Alam mo ba
Na mahal kita
Anong ligaya ko
Kung kapiling ka

Alam Mo Ba Mahal Kita Lyrics

Ang Tangi Kong Pag-ibig Lyrics

Ang Tangi Kong Pag-ibig Lyrics



Ang tangi kong pagibig
ay minsan lamang
Ngunit ang
yung akala
ay hindi tunay


Hindi ka lilimutin
Magpakailan pa man
Habang ako
ay narito
at may buhay


Malasin mo’y nagtiis
ng kalungkutan
Ang buhay ko’y
unti-unti
na pumapanaw


Wari ko ba’y sinta
Ako’y mamatay
Kung di kita ang
kapiling
habambuhay



Ang Tangi Kong Pag-ibig Lyrics

List Of Filipino Folk Songs

List Of Filipino Folk Songs

Leron Leron Sinta Lyrics
Bahay Kubo Lyrics
Paruparong Bukid Lyrics
Sitsiritsit Lyrics
Doon Po Sa Amin Lyrics
Magtanim Ay Di Biro Lyrics
Tinikling Lyrics
Banahaw Lyrics
Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics
Sampaguita Lyrics
O Ilaw Lyrics
Inday, Inday sa Balitaw Lyrics
Sinisinta Kita Lyrics
Santa Clarang Pinong-pino Lyrics
Tilibong Tilibo Lyrics
Kalesa Lyrics
Pandanggo Sa Ilaw Lyrics
Ang Pipit Lyrics
Ay, Ay, O Pag-ibig
Kung Nagsasayaw Kita Lyrics
Lulay Lyrics
Pamaypay ng Maynila Lyrics

List of Kundiman Songs

List of Kundiman Songs

    Kundiman songs are traditional Filipino love songs written in tagalog. Its melody is characterized by smooth flowing and gentle rhythm with dramatic intervals. Kundiman is a traditional means of serenade in the Philippines. It was originated from Balayan, Batangas and Francisco Santiago is famously known as the "Father of kundiman art song".

Here are the list of Kundiman Songs in the Philippines:

Kundiman Songs

Ang Tangi Kong Pag-ibig Lyrics
Mutya ng Pasig Lyrics - Nicanor Abelardo
Anak Dalita Lyrics -
Pakiusap Lyrics - Francisco Santiago
Madaling Araw Lyrics
Pahiwatig Lyrics -
Nasaan Ka Irog? - Nicanor Abelardo
Dahil Sa Iyo Lyrics

Mga Awitin ni Ric Manrique Jr.
Ikaw Ang Ligaya Ko Lyrics
Kupas Na Larawan
Saan Ka Man Naroroon Lyrics
Paano Kita Lilimutin Lyrics
Butuing Marikit Lyrics

Mga Awitin ni Cenon Lagman
Salamat Sa Alaala Lyrics
Ako'y Maghihintay Lyrics
Bakit Di Kita Malimot Lyrics
Angelita Lyrics
Ikaw Ang Iibigin Ko Lyrics
Magpakailanman Lyrics
Lupa't Langit Lyrics


Mga Awitin ni Larry Miranda
Sa Lumang Simbahan Lyrics
Sapagkat Mahal Kita Lyrics
Sa Langit Maghihintay Lyrics
Marupok Na Sumpa Lyrics
Sa Laot Ng Karagatan Lyrics
Orasan Ng Pag-ibig Lyrics
Bakit Kita Iniibig Lyrics
Salawahang Lihim Lyrics
Langit Ko'y Ikaw Rin Lyrics
Di Mo Ako Mahal Lyrics


Mga Awitin ni Diomedes Maturan 
Sa Sulyap Mo Lyrics
Kahit Limutin Mo Lyrics
Dahil Sa Iyo Lyrics
Buhat Lyrics
Dinggin Lyrics
Alam Mo Ba Mahal Kita Lyrics

Bituing Marikit Lyrics - Kundiman Songs

Bituing Marikit Lyrics - Kundiman Songs
by: Ric Manrique Jr.

Bituing marikit, sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit

Lapitan mo ako, halina bituin
Ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-ibig

Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw


Bituing Marikit Lyrics - Kundiman Songs


Dinggin Lyrics - Kundiman Songs

Dinggin Lyrics - Kundiman Songs
by: Diomedes Maturan

Dinggin, dinggin mo yaring pagsamo
Nitong puso kong nagdaramdam
Pag ika'y lumalayo

Dinggin, bago man lamang pumanaw
Ang aking aping pagmamahal
Na ayaw mong pakinggan

Matapos na akitin ang iyong ganda
Ay iniwan mo akong nag-iisa

Dinggin, kahit na ako'y di mo mahal
Upang mabawasan ang lungkot
At aking pagdaramdam

Matapos na akitin ang iyong ganda
Ay iniwan mo akong nag-iisa

Dinggin, kahit na ako'y di mo mahal
Upang mabawasan ang lungkot
At aking pagdaramdam

Dinggin Lyrics - Kundiman Songs

Buhat Lyrics - Kundiman Songs

Buhat Lyrics - Kundiman Songs
by: Diomedes Maturan

Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanaginpan
Laging hinahanap at inaasam
Giliw damhin mo yaring pagmamahal... at


Magbuhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Tunay na sadyang kaligayahan
Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhat


At magbuhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Tunay na sadyang kaligayahan
Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhat



Buhat Lyrics - Kundiman Songs

Dahil Sa Iyo Lyrics - Kundiman Songs

Dahil Sa Iyo Lyrics - Kundiman Songs
by: Diomedes Maturan

Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig
Mandi'y wala ng langit
At ng lumigaya
Hinango mo sa dusa
Tanging ikaw, sinta
Ang aking pag-asa

Dahil sa `yo nais kong mabuhay
Dahil sa `yo hanggang mamatay
Dapat mong tanungin
Wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin
Ikaw at ikaw rin
Dahil sa `yo ako'y lumigaya
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sa `yo

Dahil sa `yo nais kong mabuhay
Dahil sa `yo hanggang mamatay
Dapat mong tanungin
Wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin
Ikaw at ikaw rin
Dahil sa `yo ako'y lumigaya
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sa `yo

Dahil Sa Iyo Lyrics - Kundiman Songs

Kahit Limutin Mo Lyrics - Kundiman Songs

Kahit Limutin Mo Lyrics - Kundiman Songs
by: Diomedes Maturan

Kailan ko malilimutan
Ang wagas nating sumpaan
Kung sa twina'y alaala ko
tamis ng ating lambingan

Di kita malilimutan
Kahit buhay ko'y pumanaw
Tanging ikaw, aking hirang
Ang tunay kong mahal

Kahit limutin mo
Hindi maglililo
Ang pag-ibig ko sa'yo
Ay hindi magbabago

Mahal pa rin kita
Kahit lumimot ka
Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang aking sinta

Kahit limutin mo
Hindi maglililo
Ang pag-ibig ko sa'yo
Ay hindi magbabago


Mahal pa rin kita
Kahit lumimot ka
Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang aking sinta

Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang aking sinta.

Kahit Limutin Mo Lyrics - Kundiman Songs

Sa Sulyap Mo Lyrics by Diomedes Maturan

Sa Sulyap Mo Lyrics by Diomedes Maturan

Known as the Perry Commo of the Philippines, Diomedes Maturan is
one of the greatest artists in the country. He had given us classic original
songs and rendition like "Sa Sulyap mo".


        ~*~
Ang mga sulyap ko giliw
Kung iyong madarama
Ay mababatid mong tunay
Na minamahal kita

Ngunit di pansin man lamang
Ang wagas na pagsinta
Kung kaya sa pag-ibig ang
puso ko'y nagdurusa

Ang awit kong ito
Kung iyong maririnig
Sayo'y maghahatid ng pag-ibig

Pagka't sa labi ko
Ay hindi masambit ang wagas na pagsuyo
Nagbuhat sa aking dibdib


Sa Sulyap Mo Lyrics - Kundiman Songs

Di Mo Ako Mahal Lyrics - Kundiman Songs

Di Mo Ako Mahal Lyrics - Kundiman Songs
By: Larry Miranda

Kahit ang buhay ko ay pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Giliw di mo ba nalalaman
Na may pusong nananambitan
Bakit di mo pansin man lamang
ang hirap na tinataglay

Buong isip ko'y aking tunay
Ang daigdig ng tuwa't kasayahan
Nalimot mo na bang tuluyan?
Tamis ng pagmamahalan

Ngayon ko nalamang di mo ako mahal
Kaya lagi mo ng pinagsasakitan
Ngunit napapawi yaring kalungkutan
saglit kitang mapagmasdan

Lahat ng dusa'y aking pagtitiisan
Makita ka lamang maligaya hirang
Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Ngayon ko nalamang di mo ako mahal
Kaya lagi mo ng pinagsasakitan
Ngunit napapawi yaring kalungkutan
saglit kitang mapagmasdan

Lahat ng dusa'y aking pagtitiisan
Makita ka lamang maligaya hirang
Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal


Di Mo Ako Mahal Lyrics - Kundiman Songs
By: Larry Miranda

Kahit ang buhay ko ay pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Giliw di mo ba nalalaman
Na may pusong nananambitan
Bakit di mo pansin man lamang
ang hirap na tinataglay

Buong isip ko'y aking tunay
Ang daigdig ng tuwa't kasayahan
Nalimot mo na bang tuluyan?
Tamis ng pagmamahalan

Ngayon ko nalamang di mo ako mahal
Kaya lagi mo ng pinagsasakitan
Ngunit napapawi yaring kalungkutan
saglit kitang mapagmasdan

Lahat ng dusa'y aking pagtitiisan
Makita ka lamang maligaya hirang
Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Ngayon ko nalamang di mo ako mahal
Kaya lagi mo ng pinagsasakitan
Ngunit napapawi yaring kalungkutan
saglit kitang mapagmasdan

Lahat ng dusa'y aking pagtitiisan
Makita ka lamang maligaya hirang
Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Kahit ang buhay ko'y pumanaw
Ikaw rin ang mahal

Di Mo Ako Mahal Lyrics - Kundiman Songs

Langit Ko'y Ikaw Rin Lyrics - Kundiman Songs

Langit Ko'y Ikaw Rin Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

Giliw ako'y huwag mong limutin
Bakit di mo na'ko pansin?
Di ba ang pangako sa akin
Libong dusa'y hahamakin, langit mo'y langit ko rin

Kung mararating ko lamang ang Langit ang Buwan at Araw
Dadalhin kita doon upang sa akin di ka maagaw
At dapat mong malaman, pag-ibig ko ay dalisay
Bawal man o kasalanan, iibigin ko'y ikaw

At dapat mong malaman, pag-ibig ko ay dalisay
Bawal man o kasalanan, iibigin ko'y ikaw

Langit Ko'y Ikaw Rin Lyrics - Kundiman Songs

Salawahang Lihim Lyrics - Kundiman Songs

Salawahang Lihim Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

Kahit mo na ilihim, mababatid ko rin
Na ang puso mo giliw, ay di tapat sa akin
Sa anyo ng mukha mo katulad ay birhen
Sino ang magsasabing ikaw ay may pusong taksil?

At aking napapansin na mayroon kang nililihim
Ang araw ay darating mabubunyag din ang iyong lihim
Kaya't ang nararapat, ikaw ay sumpain
Nang 'di ka matularang isang salawahang lihim

At aking napapansin na mayroon kang nililihim
Ang araw ay darating mabubunyag din ang iyong lihim
Kaya't ang nararapat, ikaw ay sumpain
Nang 'di ka matularang isang salawahang lihim


Salawahang Lihim Lyrics - Kundiman Songs

Bakit Kita Inibig Lyrics - Kundiman Songs

Bakit Kita Inibig Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

Bakit kita inibig?
Bakit kita minahal?
Iyan ang tanong ng puso
May suliraning tinataglay

Ayaw ko nang umibig
Ayaw ko nang magmahal
Ngunit di maiiiwasan
Pagka't lagi kang natatanaw

Ikaw ba ang hulog ng langit?
Ang lunas sa pusong may hapis?
Nangangambang baka maulit
Dumanas ng walang hanggang pagtitiis

Bakit kita inibig?
Bakit kita minahal?
Gayong aking panatang
Di na iibig, kailan pa man

Ikaw ba ang hulog ng langit?
Ang lunas sa pusong may hapis?
Nangangambang baka maulit
Dumanas ng walang hanggang pagtitis

Bakit kita inibig?
Bakit kita minahal?
Gayong aking panatang
Di na iibig, kailan pa man

Bakit Kita, bakit kita .................inibig?


Bakit Kita Inibig Lyrics - Kundiman Songs

Orasan Ng Pag-ibig Lyrics - Kundiman Songs

Orasan Ng Pag-ibig Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

This song is one of Larry Miranda's classic example of his versatility as a Kundiman song artist. Orasan ng Pag-ibig is composed by Philip Maninang with lyrics written by Levi Celerio. It's included in his album "Lumang Simbahan" under Mayon Records.

                     ~*~
Ala una nang hapon ng tayo ay magkita
Alas dos naman ng tayo ay magka-kilala
Alas tres ang wika ko "Giliw mahal kita"
In-punto alas kwatro, noong sumagot ka

Alas singko tayo'y nagtipanang magtatagpo
Upang ipadama ang tunay na pagsuyo
Ngunit ako yata sa'yo'y mabibigo
Ang pag-asa nitong aba kong puso ngayo'y naglalaho

Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita
O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa
Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana
Aking mahal sa buhay ko hanggang ngayo'y wala ka pa, wala ka pa, wala ka pa

Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig
Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig
Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib
Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig

Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita
O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa
Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana
Aking mahal sa buhay ko, hanggang ngayo'y wala ka pa, wala ka pa, wala ka pa

Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig
Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig
Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib
Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig

Orasan Ng Pag-ibig Lyrics - Kundiman Songs

Sa Laot Ng Karagatan Lyrics - Kundiman Songs

Sa Laot Ng Karagatan Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

Doon sa baybay dagat, tuwing aking namamalas
Aking naaalala ang araw na lumipas
At sa may buhanginan doon ko isinulat
Ang damdamin nyaring puso sa pagsuyo ay tapat

Parang kahapon lamang ng tayo'y mamangka o hirang
At sa laot ng dagat, naganap ang ating sumpaan
Habang ako'y may buhay, ay hindi ko malilimutan
Ang dagat naging libingan ng pusong tapat magmahal

Doon sa baybay dagat, tuwing aking namamalas
Aking naaalala ang araw na lumipas
At sa may buhanginan doon ko isinulat
Ang damdamin nyaring puso sa pagsuyo ay tapat

Parang kahapon lamang ng tayo'y mamangka o hirang
At sa laot ng dagat, naganap ang ating sumpaan
Habang ako'y may buhay, ay hindi ko malilimutan
Ang dagat naging libingan ng pusong tapat magmahal


Sa Laot Ng Karagatan Lyrics - Kundiman Songs

Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs

Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda


This song is included in Larry Miranda's
"Sa Lumang Simbahan" album.
Published under "Mayon" Record Label and
released by Alpha Recording System.

                     ~*~

Nalalaman kong ako'y di mo mahal
At ikaw ay nagsalawahan

Sumumpa-sumpa kang mamahalin
At ako ngayo'y halos mabaliw
Sa tamis ng iyong pangako
At sa iyong mga pagsuyo, puso koy nalahuyo

Sinaksi-saksi mo pa ang langit
Pinasasahan ko ang langit
Ang dalisay mong pag-ibig, ang dinulot ay pasakit
At pawang hinanakit

Bakit aking natutunan kita'y mahalin
Kahit na hindi tunay ang iyong pag-ibig?
At hindi ko akalain na ikaw ay magtaksil
Gayong lagi kong dalangin, nawa'y di ka magmaliw

Kumalas ka man sa ating sumpaan
Yapos sa 'yo giliw nagdaramdam
At kung nalaman ko lamang na ikaw ay salawahan
Sana'y di na minahal

Bakit aking natutunan kita'y mahalin
Kahit na hindi tunay ang iyong pag-ibig?
At hindi ko akalain na ikaw ay magtaksil
Gayong lagi kong dalangin, nawa'y di ka magmaliw

Kumalas ka man sa ating sumpaan
Yapos sa 'yo giliw nagdaramdam
At kung nalaman ko lamang na ikaw ay salawahan
Sana'y di na minahal
Ikaw pala giliw............salawahan

Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs

Sa Langit Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs

Sa Langit Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda


Luksa ang puso ko nang ako ay
At ang laging dalangin ko ay magbalik ka sana sa piling ko
Anong sanhi at ikaw ay nagtatampo?
Hindi mo lamang nalalaman ikaw ang tunay kong mahal


Lumuluha ka pa noong minsan kita'y hinahagkan
At biglang lumayo na wari'y nagdaramdam
Mahal kita kahit ako ngayo'y nagdurusa
Mamamatay ako kapag lumimot ka


Mahal kita kahit ako ngayo'y nagdurusa
Mamamatay ako kapag lumimot ka
Ang pag-ibig ko sayo'y walang kapantay magpakailanman
Kung di ka matagpuan sa langit ako maghihintay


Sa Langit Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs

Sapagkat Mahal Kita Lyrics - Kundiman Songs

Sapagkat Mahal Kita Lyrics - Kundiman Songs
by: Larry Miranda

Giliw ikaw ang buhay
Puso'y sa iyo lamang
Tanging ang iyong larawan
Aliw ng pusong nagmamahal

Dahil sa'yo may buhay ang daigdig
Pawang lahat ay may awit
Yaong bukid maging hangin, sila'y naiinggit
At ang batis ng pagsuyo, ang syang dumadalit

Pag-ibig na kay tamis, di magmamaliw sinta
Kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata
kailan pa man sumpa'y di mag iiba
Magpa-hanggang sa wakas...... mahal kita

Pag-ibig na kay tamis, di magmamaliw sinta
kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata
Kailan pa man, sumpa'y di mag-iiba
Magpa-hanggang sa wakas....mahal kita
(Sapagkat mahal kita)

Sapagkat Mahal Kita Lyrics - Kundiman Songs

Sa Lumang Simbahan Lyrics by Larry Miranda

Sa Lumang Simbahan Lyrics by Larry Miranda

A Kundiman song composed by
Maestro Constancio De Guzman.
Interpreted by Larry Miranda.

Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan
Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tigisang kamay
May hawak na punyal

"Kung ako'y patay na
Ang hiling ko lamang
Dalawin mo giliw
Ang ulilang libing
At kung marinig mo
Ang taghoy at daing
Yao'y pahimakas
Ng sumpaan natin"

"At kung maririnig mo
Ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw
Sa harap ng altar
At iyong idalangin
Ang naglahong giliw

Sa Lumang Simbahan Lyrics by Larry Miranda

Lupa't Langit Lyrics - Kundiman Songs

Lupa't Langit Lyrics - Kundiman Songs
By: Cenon Lagman

Salamat sa Poong mahal
Ang naging palad ko ay ikaw
Mutyang walang kapintasan
Sa ugali at sa tamis na magmahal

Noon una kang mamasid
Ang puso ko'y alinlangan na humiling
Pagka't yaring ating kalagayan
Ang katulad ay lupa't langit

Palibhasa ang puso mo'y maunawain
Karukhaan ay hindi mo pinansin

Ikaw naman ay manalig na hindi
ko malilimot sa pagibig
Dahil sa iyo ngayo'y nagkalapit
Magkaibayong lupa't langit.

Lupa't Langit Lyrics - Kundiman Songs

Magpakailanman Lyrics - Kundiman Songs

Magpakailanman Lyrics - Kundiman Songs
By: Cenon Lagman

Tanging ikaw ang aking mahal
Manalig ka magpakailanman
Habang ako ay may buhay
Ang sumpa ko'y di mapaparang

Chorus:
Magpakailanman, magpakailanman
Pag-ibig ko ay walang hanggan
Sa ligaya man o sa lumbay
Tayong dalawa'y magmamahalan

Ang nais ko kung lalayo ka
Ang puso ay kunin mo na
Asahan mo handang magdusa
Lalo na't kung kapiling kita

(Repeat Chorus)

Pag-ibig ko tanging ikaw hirang...

Magpakailanman Lyrics - Kundiman Songs

Ikaw Ang Iibigin Ko Lyrics - Kundiman Songs

Ikaw Ang Iibigin Ko Lyrics - Kundiman Songs
by: Cenon Lagman

First original tagalog version record in 1958.
It was also sang in English by Cora Delfino entitled " My Song Of Love "


Ang puso ko ay may lumbay
Pagka't hindi mo pansin man lamang
Araw gabi namamanglaw
Naghihintay sa tunay mong pagmamahal

Nasaan ang iyong awa sa puso
Na nagdaramdam at umiiyak ng dahil sa'yo
Hanggang sa mamatay di na magbabago
Ang sumpa kong ikaw ang iibigin ko


Ikaw Ang Iibigin Ko Lyrics  - Kundiman Songs

Angelita Lyrics - Kundiman Songs

Angelita Lyrics - Kundiman Songs
by: Cenon Lagman


Matimtimang mutyang Angelita
Simula pa'y iniibig kita
At iyan ay hindi kaila sa iyo sinta
Malawig mo na ring nadarama


Sa maraming araw na lumipas
Pagsinta ay hindi maipahayag
At hanggang sa ngayon pag kita ay kaharap
Labi ko ay umid na magtapat


Banal na layunin ng aking pagsinta
Ay madulutan ka ng ligaya
At ang iyong buhay ay mapaginhawa
Upang lumagi kang nagsasayaw


Pag-ibig ko'y ganyan Angelita
Ang hangad ay ika'y lumigaya
Pangarap mong iyan, kapag nakamtan mo na
Maligaya na rin ako sinta


Banal na layunin ng aking pagsinta
Ay madulutan ka ng ligaya
At ang iyong buhay ay mapaginhawa
Upang lumagi kang nagsasayaw


Pag-ibig ko'y ganyan Angelita
Ang hangad ay ika'y lumigaya
Pangarap mong iyan, kapag nakamtan mo na
Maligaya na rin ako sinta


Angelita, O Angelita, ganyan ang pagsinta


Angelita Lyrics - Kundiman Songs

Bakit Di Kita Malimot Lyrics - Kundiman Songs

Bakit Di Kita Malimot Lyrics - Kundiman Songs
by Cenon Lagman

Bakit di kita malimot? bakit di kita maiwan?
Lalo't aking nalalaman, ang puso mo'y salawahan
Bakit mo ako inibig kung ang dulot mo'y pasakit?
At ako'y naliligalig sa halik mong wala nang tamis


Sa bawat saglit aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig
Ngunit kung di na kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan


Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mo ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin hirang


Sa bawat saglit aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig
Ngunit kung di na kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan


Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mo ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin hirang


Bakit Di Kita Malimot Lyrics - Kundiman Songs

Ako'y Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs

Ako'y Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs
By Cenon Lagman

Ang matapat kong pagibig
Ginanti mo ay pasakit
Ikaw na aking iniibig
Nagdulot sa puso ng hinagpis

Kung ikaw ma'y salawahan
Di gaanong ako'y magdaramdam
Ang masakit sa aking kalooban
Umaalis ka ng walang paalam

Chorus:
At pati ang mga ala-ala
Sa buhay ko'y mahalaga
Sa'yong paglayo ay iyo pang dinala
Walang iniwan ka kundi dusa

Kung ito ang kapalaran
Magtitiis ako aking mahal
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay
Doon sa langit ay maghihintay

(Repeat Chorus)

Ako'y Maghihintay Lyrics - Kundiman Songs

Salamat Sa Alaala Lyrics - Kundiman Songs

Salamat Sa Alaala Lyrics - Kundiman Songs
by: Cenon Lagman

Ako ay naniwalang
Ako’y iyong mahal
Matapos kong umasa
Daglian mong nilisan
‘Wag mo sanang hinalain
Ako’y nagdaramdam
Ligaya mong binawi
Alaala mong naiwanan
Sa ‘king puso, o hirang

Chorus:
Salamat sa alaala
Salamat sa iyo sinta
Tamis ng iyong mga labi
Alaala ko sa tuwina
Hindi ko malilimutan
Lambing ng ating sumpaan
Kahit gabi’y naparam
Salamat sa iyo hirang

(Repeat Chorus)

Finale:
Kahit gabi’y naparam
Salamat sa iyo hirang

Salamat Sa Alaala Lyrics - Kundiman Songs

Paano Kita Lilimutin Lyrics - Kundiman Songs

Paano Kita Lilimutin Lyrics - Kundiman Songs
by: Ric Manrique Jr.


Paano kita lilimutin?
Gunita kong lagi ang araw natin
Ang bawat araw na lumipas
At pagsasamang walang katulad hirang

Paano kita lilimutin?
Iisa ang ating mga damdamin
Walang lunas upang malimot
Pangakong kay tamis na tinginang taos
Kaya't paano pa kita malilimot?

Walang lunas upang malimot
Pangakong kay tamis na tinginang taos
Kaya paano pa kita malilimot?


Paano Kita Lilimutin Lyrics - Kundiman Songs

Saan Ka Man Naroroon Lyrics - Kundiman Songs

Saan Ka Man Naroroon Lyrics - Kundiman Songs
by: Ric Manrique Jr.

Saan ka man naroroon sinta
Pag-ibig kong wagas ang 'yong madarama
Kailan pa man sa iyo'y di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog
Saan ka man naroroon sinta
Pangarap ko'y ikaw,
pagkat mahal kita
Asahan mong sa habang panahon
Ala-ala kita saan ka man naroroon
Asahan mong sa habang panahon
Ala-ala kita saan ka man naroroon
Asahan mong sa habang panahon
Ala-ala kita saan ka man naroroon



Saan Ka Man Naroroon Lyrics - Kundiman Songs